Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kawikaan 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad,+

      At nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.*+

  • Mateo 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 at patawarin mo kami sa mga kasalanan namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala sa amin.+

  • Marcos 11:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 At kapag kayo ay nakatayong nananalangin, patawarin ninyo ang anumang kasalanang nagawa sa inyo ng iba, para patawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit sa mga pagkakamali ninyo.”+

  • Lucas 11:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 At patawarin mo kami sa mga kasalanan namin,+ dahil pinatatawad din namin ang lahat ng nagkasala sa amin;+ at huwag mo kaming hayaang mahulog sa tukso.’”+

  • Lucas 17:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Kahit pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses siyang lumapit at magsabi, ‘Nagsisisi ako,’ dapat mo siyang patawarin.”+

  • Efeso 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit,+ at lubusan ninyong patawarin ang isa’t isa, kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay lubusan ding nagpatawad sa inyo.+

  • Colosas 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa+ kahit pa may dahilan kayo para magreklamo laban sa inyong kapuwa.+ Kung paanong lubusan kayong pinatawad ni Jehova, dapat na ganoon din ang gawin ninyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share