Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 103:10-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Hindi niya tayo pinaparusahan ayon sa mga kasalanan natin,+

      At hindi niya tayo ginagantihan ayon sa nararapat sa mga pagkakamali natin.+

      11 Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,

      Gayon kalaki ang kaniyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kaniya.+

      12 Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,

      Gayon niya inilalayo sa atin ang mga kasalanan natin.+

  • Mateo 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 at patawarin mo kami sa mga kasalanan namin, kung paanong pinatatawad namin ang mga nagkakasala sa amin.+

  • Mateo 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 “Dahil kung pinatatawad ninyo ang mga pagkakamali ng iba, patatawarin din kayo ng inyong Ama sa langit;+

  • Mateo 18:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Ganiyan din ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa langit+ kung hindi ninyo patatawarin mula sa puso ang inyong kapatid.”+

  • Efeso 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit,+ at lubusan ninyong patawarin ang isa’t isa, kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay lubusan ding nagpatawad sa inyo.+

  • Colosas 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa+ kahit pa may dahilan kayo para magreklamo laban sa inyong kapuwa.+ Kung paanong lubusan kayong pinatawad ni Jehova, dapat na ganoon din ang gawin ninyo.+

  • Santiago 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Dahil ang hindi nagpapakita ng awa ay hahatulan nang walang awa.+ Mas dakila ang awa kaysa sa paghatol.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share