Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 34:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Dahil ginagantimpalaan niya ang tao ayon sa ginagawa nito,+

      At ipinararanas niya sa tao ang resulta ng landasin nito.

  • Awit 62:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 At nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig, O Jehova,+

      Dahil ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa mga ginagawa niya.+

  • Kawikaan 19:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Ang tumutulong sa dukha ay nagpapautang kay Jehova,+

      At babayaran* Niya siya dahil sa ginawa niya.+

  • Kawikaan 21:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Ang nagtatakip ng tainga kapag dumaraing ang mahirap

      Ay hindi pakikinggan kapag siya naman ang tumawag.+

  • Mateo 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 “Maligaya ang mga maawain,+ dahil pagpapakitaan sila ng awa.

  • Mateo 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 “Dahil kung pinatatawad ninyo ang mga pagkakamali ng iba, patatawarin din kayo ng inyong Ama sa langit;+

  • Marcos 11:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 At kapag kayo ay nakatayong nananalangin, patawarin ninyo ang anumang kasalanang nagawa sa inyo ng iba, para patawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit sa mga pagkakamali ninyo.”+

  • Lucas 17:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili. Kung magkasala ang kapatid mo, sawayin mo siya,+ at kung magsisi siya, patawarin mo siya.+

  • Efeso 4:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit,+ at lubusan ninyong patawarin ang isa’t isa, kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay lubusan ding nagpatawad sa inyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share