-
Mateo 23:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 “Kaawa-awa kayo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampu ng yerbabuena at ng eneldo at ng komino,+ pero binabale-wala ninyo ang mas mahahalagang bagay sa Kautusan: ang katarungan+ at awa+ at katapatan.* Kailangan namang gawin ang mga iyon, pero hindi ninyo dapat bale-walain ang iba pang bagay.*+
-
-
Lucas 10:29-37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 Pero dahil gusto ng lalaki na patunayang matuwid siya,+ sinabi niya kay Jesus: “Sino ba talaga ang kapuwa ko?” 30 Sinabi ni Jesus: “Isang lalaki na galing* sa Jerusalem ang papuntang Jerico at nabiktima ng mga magnanakaw. Hinubaran siya ng mga ito, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataon naman, isang saserdote ang dumaan doon,* pero nang makita niya ang lalaki, lumipat siya sa kabilang panig ng daan. 32 Dumaan din ang isang Levita; nang makita niya ang lalaki, lumipat din siya sa kabilang panig ng daan. 33 Pero nang makita ng isang Samaritanong+ naglalakbay sa daang iyon ang lalaki, naawa siya rito. 34 Kaya nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito, at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ito sa kaniyang hayop, dinala sa isang bahay-tuluyan, at inalagaan. 35 Kinabukasan, nagbigay siya ng dalawang denario sa may-ari ng bahay-tuluyan at sinabi niya: ‘Alagaan mo siya, at kung mas malaki pa rito ang magagastos mo, babayaran kita pagbalik ko.’ 36 Sa tingin mo, sino sa tatlong ito ang naging kapuwa+ sa lalaking nabiktima ng mga magnanakaw?” 37 Sinabi niya: “Ang nagpakita ng awa sa kaniya.”+ Sinabi ni Jesus: “Kung gayon, ganoon din ang gawin mo.”+
-