-
2 Hari 25:5-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Pero ang hari ay hinabol ng hukbo ng mga Caldeo, at naabutan nila siya sa mga tigang na kapatagan ng Jerico. Nahiwalay siya sa hukbo niya at nagkawatak-watak ang mga ito. 6 Hinuli nila ang hari+ at dinala siya sa hari ng Babilonya sa Ribla, at hinatulan nila siya. 7 Pinatay nila ang mga anak ni Zedekias sa harap niya; pagkatapos, binulag ni Nabucodonosor si Zedekias, iginapos ng kadenang tanso, at dinala sa Babilonya.+
-