Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 2:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Si Jehova ay nagpapasapit ng kahirapan at nagpapayaman;+

      Siya ay nagbababa at nagtataas.+

       8 Itinatayo niya ang hamak mula sa alabok;

      Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa bunton ng abo,*+

      Para paupuin sila kasama ng matataas na opisyal

      At bigyan ng upuang para sa mga taong marangal.

      Kay Jehova ang mga pundasyon ng lupa,+

      At ipinapatong niya sa mga iyon ang mabungang lupain.

  • Job 34:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Inaalis niya ang mga makapangyarihan nang hindi na kailangang mag-imbestiga,

      At naglalagay siya ng iba sa puwesto nila.+

  • Jeremias 27:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 ‘Ako ang gumawa ng lupa, ng sangkatauhan, at ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at unat na bisig; at ibinibigay ko iyon sa sinumang gusto ko.*+

  • Ezekiel 21:26, 27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova: ‘Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona.+ Hindi na ito magiging gaya ng dati.+ Itaas mo ang mababa,+ at ibaba mo ang mataas.+ 27 Kagibaan, kagibaan, gagawin ko iyon na isang kagibaan. At walang sinumang magmamay-ari doon hanggang sa dumating ang isa na may legal na karapatan,+ at ibibigay ko iyon sa kaniya.’+

  • Daniel 2:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Binabago niya ang oras at mga panahon.+

      Nag-aalis siya at nagtatalaga ng mga hari+

      At nagbibigay ng karunungan sa marurunong at ng kaalaman sa mga may unawa.+

  • Daniel 7:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya. 14 At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+

  • Lucas 1:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Siya ay magiging dakila+ at tatawaging Anak ng Kataas-taasan,+ at ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama,+ 33 at maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang Kaharian.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share