Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Samuel 7:16, 17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian ay magiging matatag sa harap mo magpakailanman; ang iyong trono ay magiging matibay magpakailanman.”’”+

      17 Sinabi ni Natan kay David ang lahat ng salitang ito at ang buong pangitaing ito.+

  • Awit 72:5-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  5 Katatakutan ka nila hangga’t may araw

      At hangga’t nananatili ang buwan,

      Sa lahat ng henerasyon.+

       6 Magiging gaya siya ng ulan na pumapatak sa damong tinabasan,

      Gaya ng saganang ulan na bumabasa sa lupa.+

       7 Sa panahon niya, mamumukadkad* ang matuwid,+

      At mamamayani ang kapayapaan+ hanggang sa mawala ang buwan.

  • Jeremias 33:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova: ‘Sa angkan ni David manggagaling ang lahat ng uupo sa trono ng sambahayan ng Israel.+

  • Daniel 2:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 44 “Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian+ na hindi mawawasak kailanman.+ At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan.+ Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon,+ at ito lang ang mananatili magpakailanman,+

  • Daniel 7:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya. 14 At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+

  • Hebreo 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Pero tungkol sa Anak, sinabi niya: “Ang Diyos ang trono mo+ magpakailanman, at ang setro ng iyong Kaharian+ ay setro ng katuwiran.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share