-
Deuteronomio 7:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Dahil kayo ay isang banal na bayan para sa Diyos ninyong si Jehova, at mula sa lahat ng bayan sa ibabaw ng lupa, pinili kayo ng Diyos ninyong si Jehova para maging bayan niya, ang espesyal* na pag-aari niya.+
7 “Hindi kayo minahal at pinili ni Jehova dahil kayo ang pinakamalaki sa lahat ng bayan;+ ang totoo, kayo ang pinakamaliit.+ 8 Inilabas kayo ni Jehova sa Ehipto dahil mahal niya kayo at dahil tinupad niya ang ipinangako niya sa mga ninuno ninyo.+ Ginamit ni Jehova ang makapangyarihang kamay niya para palayain kayo mula sa pagkaalipin,*+ mula sa kamay ng Paraon na hari ng Ehipto.
-