Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Dumaan si Jehova sa harap niya at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at mapagmalasakit,*+ hindi madaling magalit+ at sagana sa tapat na pag-ibig*+ at katotohanan,*+ 7 nagpapakita ng tapat na pag-ibig sa libo-libo,+ nagpapatawad sa pagkakamali at pagsuway at kasalanan,+ pero tinitiyak niyang mapaparusahan ang mga may kasalanan+ at pinaparusahan ang mga anak at mga apo dahil sa kasalanan ng mga ama, pati na ang ikatlo at ikaapat na henerasyon.”+

  • Isaias 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+

      “Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata,*

      Mapapuputi ang mga ito na gaya ng niyebe;+

      Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson,

      Magiging simputi ng lana ang mga ito.

  • Isaias 44:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Tatakpan ko ang mga pagkakamali mo na parang nasa likod ng ulap+

      At ang mga kasalanan mo na parang nasa likod ng makapal na ulap.

      Manumbalik ka sa akin, dahil tutubusin kita.+

  • Jeremias 50:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 “Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova,

      “Hahanapan ng kasalanan ang Israel,

      Pero wala nang makikita,

      At hindi na makikita ang mga kasalanan ng Juda,

      Dahil patatawarin ko ang mga hinayaan kong mabuhay.”+

  • Daniel 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Maawain at mapagpatawad ang Diyos naming si Jehova,+ pero nagrebelde kami sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share