Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 3:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nang mga araw na iyon, si Juan+ Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nangaral.+ 2 Sinasabi niya: “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.”+ 3 Ang totoo, siya ang tinutukoy ng propetang si Isaias+ nang sabihin nito: “May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova! Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+

  • Mateo 11:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Nang paalis na ang mga ito, sinabi ni Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang nakita ninyo sa ilang?+ Isang taong gaya ng tambo na hinahampas-hampas ng hangin? Hindi.+

  • Mateo 11:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan: ‘Isinusugo ko ang aking mensahero* sa unahan mo,* na maghahanda ng iyong dadaanan!’+

  • Marcos 1:2-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Nakasulat sa aklat ng propetang si Isaias: “(Isinusugo ko ang aking mensahero sa unahan mo, na maghahanda ng iyong dadaanan.)+ 3 May sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova! Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+ 4 Si Juan na Tagapagbautismo ay nasa ilang para mangaral tungkol sa bautismo bilang sagisag ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.+

  • Lucas 1:76
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 76 Pero ikaw, anak ko, tatawagin kang propeta ng Kataas-taasan, dahil mauuna ka kay Jehova para ihanda ang kaniyang mga daan,+

  • Juan 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 May isang tao na isinugo bilang kinatawan ng Diyos; ang pangalan niya ay Juan.+

  • Juan 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Sinabi niya: “Ako ang isa na sumisigaw sa ilang, ‘Patagin ninyo ang dadaanan ni Jehova,’+ gaya ng sinabi ni propeta Isaias.”+

  • Juan 3:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Narinig ninyo mismo nang sabihin ko, ‘Hindi ako ang Kristo,+ pero isinugo ako sa unahan ng isang iyon.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share