Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 19:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kung gusto mong maging perpekto, ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit;+ pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+

  • Marcos 10:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Tumingin si Jesus sa kaniya at nakadama ng pagmamahal sa kaniya. Sinabi ni Jesus: “May isa ka pang kailangang gawin: Ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+

  • Lucas 12:33, 34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga pag-aari at magbigay kayo sa mahihirap.+ Gumawa kayo ng mga lalagyan ng pera na hindi nasisira, isang di-nauubos na kayamanan sa langit,+ kung saan hindi nakalalapit ang mga magnanakaw at hindi nakapaninira ang mga insekto.* 34 Dahil kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.

  • Lucas 18:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Pagkarinig nito, sinabi ni Jesus, “May isa ka pang kailangang gawin: Ipagbili mo ang lahat ng pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+

  • 1 Timoteo 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Sabihan mo ang mayayaman sa sistemang ito na huwag maging mayabang at huwag umasa sa kayamanan na walang katiyakan+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng bagay na nagpapasaya sa atin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share