34 “Pero bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili para hindi mapabigatan ang inyong puso ng sobrang pagkain, sobrang pag-inom,+ at mga álalahanín sa buhay,*+ at bigla na lang dumating ang araw na iyon na gaya ng bitag at ikagulat ninyo.+
6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay;+ sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat;+
6 Kaya magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, para maitaas niya kayo sa takdang panahon,+7 habang inihahagis ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín,*+ dahil nagmamalasakit siya sa inyo.+