Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 18:30, 31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 30 “At dapat mong sabihin sa kanila, ‘Kapag iniaabuloy ninyo ang pinakamainam sa mga iyon, ang matitira ay mapupunta sa inyo na mga Levita, na para bang iyon ay butil ng sarili ninyong giikan at alak mula sa inyong pisaan ng ubas at langis mula sa inyong pisaan para sa langis. 31 Puwede ninyo itong kainin kahit saan, kayo at ang inyong sambahayan, dahil iyon ay kabayaran para sa paglilingkod ninyo sa tolda ng pagpupulong.+

  • Lucas 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Huwag kayong magdala ng pera,* lalagyan ng pagkain, o sandalyas,+ at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.+

  • Lucas 10:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Kaya manatili kayo sa bahay na iyon,+ at kainin ninyo at inumin ang ibinibigay nila,+ dahil ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.+ Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.

  • 1 Corinto 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Sino bang sundalo ang maglilingkod sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim ng ubas at hindi kumakain ng bunga nito?+ O sino ang nagpapastol ng kawan at hindi nakikinabang sa gatas nito?

  • 1 Corinto 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Sa katulad na paraan, ipinag-utos ng Panginoon na ang mga naghahayag ng mabuting balita ay matustusan sa pamamagitan ng mabuting balita.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share