-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sandalyas: Lumilitaw na tumutukoy ito sa ekstrang pares ng sandalyas dahil sinabi ni Jesus na huwag silang magdala ng sandalyas. Karaniwan noon na magdala ng ekstrang sandalyas kapag mahaba ang paglalakbay, dahil posibleng mapudpod ang suwelas o mapigtas ang sintas ng suot nilang sandalyas. Noong nagbigay si Jesus ng katulad na tagubilin sa isang naunang pagkakataon, sinabi niya sa mga alagad na ‘isuot’ ang sandalyas nila. (Mar 6:8, 9) At gaya ng binabanggit sa Mat 10:9, 10, sinabi niya sa kanila na huwag “magdala” ng sandalyas, ibig sabihin, huwag na silang magdala ng ekstrang pares bukod pa sa suot nila.
batiin ang sinuman: O “yakapin ang sinuman bilang pagbati.” Sa ilang pagkakataon, ang salitang Griego na a·spaʹzo·mai (“batiin”) ay hindi lang basta pagsasabi ng “kumusta” o “magandang araw.” Posibleng kasama dito ang pagyakap at mahabang kuwentuhan kapag nagkikita ang magkakaibigan. Hindi naman sinasabi ni Jesus na magsuplado ang mga alagad niya. Sa halip, idinidiin lang niya na dapat umiwas ang mga alagad sa di-kinakailangang panggambala at sulitin nila ang oras nila sa ministeryo. Ganito rin ang iniutos noon ni propeta Eliseo sa tagapaglingkod niyang si Gehazi. (2Ha 4:29) Sa dalawang pagkakataong ito, parehong apurahan ang gawain, kaya walang oras na dapat sayangin.
-