-
Marcos 6:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Nabalitaan ni Haring Herodes+ ang tungkol dito dahil nakilala nang husto ang pangalan ni Jesus, at sinasabi ng mga tao: “Binuhay-muli si Juan na Tagapagbautismo, kaya nakagagawa siya ng mga himala.”*+ 15 Pero sinasabi ng iba: “Siya si Elias.” May iba pang nagsasabi: “Isa siyang propeta, gaya ng mga propeta noon.”+ 16 Pero nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya: “Ang Juan na pinugutan ko ng ulo, binuhay siyang muli.”
-
-
Lucas 9:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 At nabalitaan ni Herodes na tagapamahala ng distrito ang tungkol sa lahat ng nangyayari, at gulong-gulo ang isip niya dahil may nagsasabi na binuhay-muli si Juan,+ 8 sinasabi naman ng iba na nagpakita si Elias, at ayon sa iba pa, muling nabuhay ang isa sa mga sinaunang propeta.+ 9 Sinabi ni Herodes: “Pinapugutan ko ng ulo si Juan.+ Kaya sino ang taong ito? Marami na akong nababalitaan tungkol sa kaniya.” Kaya gusto niyang makita siya.+
-