Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 10:35-40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Sina Santiago at Juan, ang mga anak ni Zebedeo,+ ay lumapit sa kaniya at nagsabi: “Guro, gusto naming gawin mo para sa amin ang anumang hilingin namin sa iyo.”+ 36 Sinabi niya sa kanila: “Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo?” 37 Sumagot sila: “Paupuin mo kami sa tabi mo, ang isa sa kanan mo at ang isa sa kaliwa mo, kapag namamahala ka na sa Kaharian mo.”+ 38 Pero sinabi sa kanila ni Jesus: “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inuman ang kopa na iniinuman ko o danasin ang bautismong pinagdadaanan ko?”+ 39 Sinabi nila sa kaniya: “Kaya namin.” Sumagot si Jesus: “Ang kopa na iniinuman ko ay iinuman ninyo, at ang pinagdadaanan kong bautismo ay pagdadaanan ninyo.+ 40 Pero hindi ako ang magpapasiya kung sino ang uupo sa kanan ko o sa kaliwa ko. Ang aking Ama ang magpapasiya kung para kanino ang mga puwestong iyon.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share