Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Juan 8:59
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 59 Kaya dumampot sila ng bato para batuhin siya, pero nagtago si Jesus at lumabas sa templo.

  • 1 Tesalonica 2:14-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang mga kongregasyon ng Diyos sa Judea na kaisa ni Kristo Jesus, dahil ang mga pinagdusahan ninyo sa kamay ng mga kababayan ninyo+ ay katulad ng mga pinagdurusahan nila sa kamay ng mga Judio, 15 na pumatay pa nga sa Panginoong Jesus+ at sa mga propeta at umusig sa amin.+ Bukod diyan, ang ginagawa nila ay hindi nakalulugod sa Diyos at hindi nakakabuti sa sinuman; 16 pinagsisikapan nilang hadlangan ang pakikipag-usap namin* sa mga tao ng ibang mga bansa, ang gawaing magliligtas sa mga ito.+ Kaya patuloy na nadaragdagan ang mga kasalanan nila. Pero tiyak na matitikman nila* ang poot ng Diyos.+

  • Hebreo 11:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Magpapatuloy pa ba ako? Kukulangin ako ng oras kung ilalahad ko pa ang tungkol kina Gideon,+ Barak,+ Samson,+ Jepte,+ David,+ pati ang kay Samuel+ at sa iba pang propeta.

  • Hebreo 11:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 37 Sila ay binato,+ sila ay sinubok, sila ay hinati ng lagari, sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada,+ sila ay nagpagala-gala na nakasuot ng balat ng tupa,+ ng balat ng kambing, samantalang sila ay kapos, nahihirapan,+ pinagmamalupitan;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share