-
Lucas 12:42-44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
42 Sinabi ng Panginoon: “Sino talaga ang tapat na katiwala, ang matalino, na aatasan ng panginoon niya sa grupo ng mga tagapaglingkod nito para patuloy na magbigay sa kanila ng kinakailangang pagkain sa tamang panahon?+ 43 Maligaya ang aliping iyon, kung sa pagdating ng panginoon niya ay madatnan siyang gayon ang ginagawa! 44 Sinasabi ko sa inyo, aatasan siya ng panginoon sa lahat ng pag-aari nito.
-