Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 2:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Bakit nagkakagulo ang mga bansa

      At ang mga bayan ay nagbubulong-bulungan* tungkol sa walang-katuturang bagay?+

       2 Ang mga hari sa lupa ay tumindig

      At ang matataas na opisyal ay nagkaisa*+

      Laban kay Jehova at sa kaniyang pinili.*+

  • Mateo 20:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 “Makinig kayo. Pupunta tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at mga eskriba. Hahatulan nila siya ng kamatayan+ 19 at ibibigay sa mga tao ng ibang mga bansa para tuyain at hagupitin at ibayubay sa tulos;+ at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+

  • Lucas 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Noong ika-15 taon ng pamamahala ni Tiberio Cesar,* nang si Poncio Pilato+ ang gobernador ng Judea, si Herodes+ ang tagapamahala ng distrito ng Galilea, si Felipe na kapatid niya ang tagapamahala ng distrito ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tagapamahala ng distrito ng Abilinia,

  • Lucas 23:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Kaya tumayo silang lahat at dinala siya kay Pilato.+

  • Juan 18:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Pagkatapos, dinala nila si Jesus mula kay Caifas papunta sa bahay ng gobernador.+ Umaga na noon. Pero hindi sila pumasok sa bahay ng gobernador para hindi sila madungisan+ at sa gayon ay makakain sila ng hapunan para sa Paskuwa.

  • Gawa 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Niluwalhati ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob+ ang Lingkod+ niyang si Jesus,+ na ipinaaresto ninyo+ at itinakwil sa harap ni Pilato, kahit pa nagdesisyon itong palayain siya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share