21 Mula noon, ipinaliwanag na ni Jesus sa mga alagad niya na kailangan niyang magpunta sa Jerusalem at magdusa nang husto sa kamay ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at kailangan siyang patayin at sa ikatlong araw ay buhaying muli.+
22 Habang magkakasama sila sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang Anak ng tao ay ibibigay sa kamay ng mga kaaway,+23 at papatayin nila siya, at sa ikatlong araw ay bubuhayin siyang muli.”+ Kaya nalungkot sila nang husto.
31 Sinabi rin niya sa kanila na ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba at patayin,+ at mabuhay-muli pagkalipas ng tatlong araw.+
44 “Makinig kayong mabuti at tandaan ang mga salitang ito: Ang Anak ng tao ay ibibigay sa kamay ng mga kaaway.”+45 Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya, dahil naging lihim ito sa kanila, at natakot silang tanungin siya tungkol dito.