-
Mateo 20:26-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 Hindi kayo dapat maging ganiyan;+ sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+ 27 at ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ninyo.+ 28 Kung paanong ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod+ at ibigay ang buhay* niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”+
-
-
Marcos 10:43-45Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 Hindi kayo dapat maging ganiyan; sa halip, ang sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo,+ 44 at ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ng lahat. 45 Dahil maging ang Anak ng tao ay dumating, hindi para paglingkuran, kundi para maglingkod+ at ibigay ang buhay* niya bilang pantubos na kapalit ng marami.”+
-
-
Lucas 22:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Pero sinabi niya: “Ang mga hari ng mga bansa ay nag-aastang panginoon sa mga nasasakupan nila, at ang mga may awtoridad sa mga tao ay tinatawag na mga Pilantropo.+ 26 Pero hindi kayo dapat maging gayon,+ kundi ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maging gaya ng pinakabata,+ at ang nangunguna ay dapat na maging gaya ng naglilingkod.+
-