Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 7:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Bawat puno na hindi maganda ang bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.+

  • Mateo 21:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 May nakita siyang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan niya iyon, pero wala itong bunga kundi mga dahon lang.+ Kaya sinabi niya rito: “Huwag ka nang mamunga kahit kailan.”+ At natuyot agad ang puno ng igos.

  • Mateo 21:43
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 43 Kaya sinasabi ko sa inyo, ang Kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa isang bansang gumagawa ng kalooban ng Diyos.*

  • Marcos 11:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Pero kinaumagahan, habang naglalakbay sila sa daan, nakita nila ang puno ng igos na tuyot na mula sa mga ugat nito.+

  • Lucas 13:6-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Pagkatapos, ibinigay niya ang ilustrasyong ito: “Isang tao ang may puno ng igos na nakatanim sa ubasan niya; pinuntahan niya ang puno para maghanap ng bunga roon, pero wala siyang nakita.+ 7 Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong naghahanap ng bunga sa punong ito, pero wala akong makita. Putulin mo na ito! Bakit masasayang ang lupa dahil sa punong ito?’+ 8 Sumagot siya, ‘Panginoon, maghintay pa tayo nang isang taon. Huhukay ako sa palibot nito at maglalagay ng pataba. 9 Kung mamunga ito, mabuti; pero kung hindi, ipaputol mo na ito.’”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share