Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 4:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Kaya kumilos ka na, at ako ay sasaiyo habang nagsasalita ka,* at ituturo ko sa iyo ang dapat mong sabihin.”+

  • Mateo 10:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pero kapag dinala nila kayo roon, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo o kung paano ninyo ito sasabihin, dahil ipaaalam sa inyo ang sasabihin ninyo sa oras na iyon;+ 20 ang magsasalita ay hindi lang kayo, kundi ang espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.+

  • Lucas 12:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11 Kapag dinala nila kayo sa harap ng nagkakatipong mga tao, mga opisyal ng gobyerno, at mga awtoridad, huwag kayong mag-alala kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili ninyo at kung ano ang sasabihin ninyo,+ 12 dahil ituturo sa inyo ng banal na espiritu sa mismong oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.”+

  • Lucas 21:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Kaya huwag ninyong pag-isipan* nang patiuna kung paano kayo sasagot,+ 15 dahil bibigyan ko kayo ng karunungan at ipaaalam ko sa inyo ang sasabihin ninyo, na hindi malalabanan o matututulan ng lahat ng kumokontra sa inyo.+

  • Juan 14:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Pero ang katulong, ang banal na espiritu, na ipadadala ng aking Ama sa pangalan ko, ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalaala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.+

  • Gawa 4:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Kaya sumagot si Pedro, na puspos ng banal na espiritu:+

      “Mga tagapamahala ng bayan at matatandang lalaki,

  • Gawa 6:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 Pero may ilang lalaki na miyembro ng Sinagoga ng mga Pinalaya, kasama ang ilan mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia, na lumapit kay Esteban para makipagtalo. 10 Pero wala silang laban sa karunungan niya at sa espiritung gumagabay sa kaniya sa pagsasalita.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share