-
Lucas 22:10-13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Sinabi niya: “Kapag pumasok kayo sa lunsod, sasalubungin kayo ng isang taong may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya.+ 11 Sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapasabi ng Guro: “Nasaan ang silid para sa bisita kung saan puwede akong kumain ng hapunan para sa Paskuwa kasama ang mga alagad ko?”’ 12 At ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas na nakaayos na. Doon ninyo iyon ihanda.” 13 Kaya umalis sila, at nangyari ang lahat ng sinabi niya sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.
-