-
Mateo 26:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Sinabi niya: “Pumunta kayo sa lunsod at makikita ninyo ang isang lalaki. Sabihin ninyo sa kaniya, ‘Sinabi ng Guro: “Ang takdang panahon ko ay malapit na; ipagdiriwang ko ang Paskuwa kasama ng mga alagad ko sa bahay mo.”’” 19 Sinunod ng mga alagad ang iniutos ni Jesus sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.
-
-
Marcos 14:13-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Kaya isinugo niya ang dalawa sa mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila: “Pumunta kayo sa lunsod, at sasalubungin kayo ng isang taong may dalang banga ng tubig. Sundan ninyo siya,+ 14 at saanman siya pumasok ay sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapasabi ng Guro: “Nasaan ang silid para sa bisita kung saan puwede akong kumain ng hapunan para sa Paskuwa kasama ang mga alagad ko?”’ 15 At ipapakita niya sa inyo ang isang malaking silid sa itaas, na nakaayos at nakahanda na. Ihanda ninyo ang hapunan natin doon.” 16 Kaya umalis ang mga alagad, at pumasok sila sa lunsod, at nangyari ang lahat ng sinabi niya sa kanila, at naghanda sila para sa Paskuwa.
-