-
Mateo 27:11-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Nang humarap si Jesus sa gobernador, tinanong siya nito: “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus: “Ikaw na mismo ang nagsasabi.”+ 12 Pero nang inaakusahan siya ng mga punong saserdote at matatandang lalaki, hindi siya kumibo.+ 13 Pagkatapos, sinabi ni Pilato: “Hindi mo ba naririnig kung gaano karami ang ipinaparatang nila sa iyo?” 14 Pero wala siyang isinagot sa kaniya, wala, kahit isang salita, kaya takang-taka ang gobernador.
-