23 Nilibot niya ang buong Galilea;+ nagtuturo siya sa mga sinagoga,+ nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, at nagpapagaling ng bawat uri ng sakit at kapansanan ng mga tao.+
8Di-nagtagal pagkatapos nito, naglakbay siya sa mga lunsod at sa mga nayon, na ipinangangaral at ipinahahayag ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.+ At kasama niya ang 12 apostol,
38 Tungkol ito kay Jesus na mula sa Nazaret; inatasan* siya ng Diyos sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at binigyan ng kapangyarihan, at lumibot siya sa lupain habang gumagawa ng mabuti at pinagagaling ang lahat ng pinahihirapan ng Diyablo,+ dahil sumasakaniya ang Diyos.+
8 Sinasabi ko sa inyo, si Kristo ay naging lingkod ng mga tuli+ para mapatunayan na tapat ang Diyos at na totoo ang mga pangako Niya sa kanilang mga ninuno,+