-
Marcos 5:18-20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Habang pasakay siya sa bangka, ang lalaki na dating sinasapian ng demonyo ay nakiusap sa kaniya na isama siya.+ 19 Pero hindi pumayag si Jesus. Sinabi niya: “Umuwi ka sa pamilya mo at mga kamag-anak, at ibalita mo sa kanila ang lahat ng ginawa ni Jehova para sa iyo at ang awa na ipinakita niya sa iyo.” 20 Umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang lahat ng ginawa ni Jesus para sa kaniya, at namangha ang lahat ng tao.
-