Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 18:1-5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Pagkatapos, ang mga alagad ay lumapit kay Jesus at nagsabi: “Sino talaga ang pinakadakila* sa Kaharian ng langit?”+ 2 Kaya tinawag niya ang isang bata at pinatayo sa gitna nila. 3 Sinabi niya: “Sinasabi ko sa inyo, malibang kayo ay magbago* at maging gaya ng mga bata,+ hinding-hindi kayo makakapasok sa Kaharian ng langit.+ 4 Kaya ang sinumang magpapakababa na gaya ng batang ito ang siyang pinakadakila sa Kaharian ng langit;+ 5 at ang sinumang tumatanggap sa isang batang gaya nito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin.+

  • Marcos 9:33-37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 33 Nakarating sila sa Capernaum. Nang nasa loob na siya ng bahay, tinanong niya sila: “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?”+ 34 Hindi sila umimik, dahil nagtatalo-talo sila sa daan kung sino ang pinakadakila* sa kanila. 35 Kaya umupo siya at tinawag ang 12 apostol at sinabi sa kanila: “Ang sinumang gustong maging una sa inyo ay dapat na maging huli sa lahat at maglingkod sa lahat.”+ 36 Pagkatapos, pinatayo niya ang isang bata sa gitna nila, niyakap niya ito, at sinabi sa kanila: 37 “Ang sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang+ gaya nito alang-alang sa akin ay tumatanggap din sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin.”+

  • Lucas 22:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 Gayunman, nagkaroon ng matinding pagtatalo-talo sa gitna nila kung sino sa kanila ang pinakadakila.*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share