-
Marcos 8:22-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Pagdating nila sa Betsaida, dinala sa kaniya ng mga tao ang isang lalaking bulag, at nakiusap sila sa kaniya na hipuin ito.+ 23 Hinawakan niya sa kamay ang lalaking bulag at dinala ito sa labas ng nayon. Matapos niyang duraan ang mga mata nito,+ ipinatong niya ang mga kamay niya sa lalaki at tinanong ito: “May nakikita ka ba?” 24 Tumingin ang* lalaki at sinabi nito: “May nakikita akong mga tao, pero mukha silang mga puno na naglalakad.” 25 Ipinatong niya ulit ang mga kamay niya sa mga mata ng lalaki, at ang lalaki ay nakakita nang malinaw. Bumalik ang paningin nito, at nakita na niya nang malinaw ang lahat ng bagay. 26 Kaya pinauwi niya ito sa bahay at sinabihan: “Huwag kang pumunta sa nayon.”
-
-
Lucas 9:10, 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 Pagbalik ng mga apostol, iniulat nila kay Jesus ang lahat ng ginawa nila.+ At isinama niya sila sa isang lunsod na tinatawag na Betsaida para bumukod sa mga tao.+ 11 Pero nang malaman ito ng mga tao, sinundan nila siya. At malugod niya silang tinanggap at tinuruan tungkol sa Kaharian ng Diyos, at pinagaling niya ang mga maysakit.+
-