-
Marcos 7:1-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Ang mga Pariseo at ang ilan sa mga eskriba na dumating mula sa Jerusalem ay lumapit sa kaniya.+ 2 At nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumakain na marumi ang kamay, ibig sabihin, hindi nahugasan. 3 (Dahil ang mga Pariseo at ang lahat ng Judio ay hindi kumakain malibang nakapaghugas na sila ng mga kamay hanggang sa siko, bilang pagsunod sa tradisyon ng mga ninuno nila, 4 at kapag galing sila sa pamilihan, hindi sila kumakain nang hindi muna naglilinis ng sarili. Marami pa silang minanang tradisyon na sinusunod nila, gaya ng paglulubog sa tubig ng mga kopa, pitsel, at mga tansong sisidlan.)+ 5 Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at mga eskribang ito: “Bakit hindi sinusunod ng mga alagad mo ang tradisyon ng mga ninuno natin at kumakain sila na marumi ang kamay?”+
-