-
Malakias 2:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Dahil ang mga labi ng saserdote ay dapat magturo* ng kaalaman, at sa kaniya dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa kautusan,*+ dahil siya ang mensahero ni Jehova ng mga hukbo.
8 “Pero lumihis kayo ng daan. Marami kayong natisod may kinalaman sa kautusan.*+ Sinira ninyo ang tipan ni Levi,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
-
-
1 Tesalonica 2:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang mga kongregasyon ng Diyos sa Judea na kaisa ni Kristo Jesus, dahil ang mga pinagdusahan ninyo sa kamay ng mga kababayan ninyo+ ay katulad ng mga pinagdurusahan nila sa kamay ng mga Judio, 15 na pumatay pa nga sa Panginoong Jesus+ at sa mga propeta at umusig sa amin.+ Bukod diyan, ang ginagawa nila ay hindi nakalulugod sa Diyos at hindi nakakabuti sa sinuman; 16 pinagsisikapan nilang hadlangan ang pakikipag-usap namin* sa mga tao ng ibang mga bansa, ang gawaing magliligtas sa mga ito.+ Kaya patuloy na nadaragdagan ang mga kasalanan nila. Pero tiyak na matitikman nila* ang poot ng Diyos.+
-