Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 12:31, 32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 31 “Kaya sinasabi ko sa inyo, ang mga tao ay mapatatawad sa bawat uri ng kasalanan at pamumusong, pero ang pamumusong laban sa espiritu ay hindi mapatatawad.+ 32 Halimbawa, sinumang nagsasalita laban sa Anak ng tao ay mapatatawad;+ pero sinumang nagsasalita laban sa banal na espiritu ay hindi mapatatawad, hindi, hindi sa sistemang ito o sa darating na sistema.+

  • Marcos 3:28, 29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Sinasabi ko sa inyo, ang mga tao ay mapatatawad sa anumang kasalanang nagawa nila at sa anumang pamumusong na sinabi nila. 29 Pero ang sinumang namumusong laban sa banal na espiritu ay hindi kailanman mapatatawad;+ nagkasala siya ng walang-hanggang kasalanan.”+

  • Hebreo 6:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Dahil tungkol sa mga naliwanagan noon+ at nakatikim ng walang-bayad na kaloob mula sa langit at naging kabahagi sa banal na espiritu

  • Hebreo 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 pero tumalikod sa pananampalataya,+ imposibleng mapanumbalik sila para magsisi,+ dahil muli nilang ipinapako sa tulos ang Anak ng Diyos at inilalagay siya sa kahihiyan sa harap ng mga tao.+

  • Hebreo 10:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Dahil kung sinasadya nating mamihasa sa kasalanan pagkatapos magkaroon ng tumpak na kaalaman sa katotohanan,+ wala nang natitira pang handog para sa kasalanan,+

  • 1 Juan 5:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Kung makita ng sinuman ang kapatid niya na gumagawa ng kasalanang hindi nito ikamamatay, ipanalangin niya ito, at ang Diyos ay magbibigay ng buhay rito,+ oo, sa mga hindi gumagawa ng kasalanang nakamamatay. May kasalanan na ikamamatay ng isa.+ Ito ang kasalanang sinasabi ko sa kaniya na huwag niyang ipanalangin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share