Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Dahil hindi mo ako* iiwan sa Libingan.*+

      Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay.*+

  • Awit 22:16-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Pinapalibutan ako ng mga aso;+

      Sinusukol ako ng pangkat ng masasamang tao.+

      Kinakagat nila ang kamay at paa ko na gaya ng leon.+

      17 Mabibilang ko ang lahat ng buto ko.+

      Tumitingin sila at tumititig sa akin.

      18 Pinaghahati-hatian nila ang damit ko,

      At pinagpapalabunutan nila ang kasuotan ko.+

  • Awit 34:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Binabantayan niya ang lahat ng kaniyang buto;

      Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+

  • Awit 41:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Maging ang taong malapít sa akin, na pinagtitiwalaan ko,+

      Na dating kumakaing kasama ko, ay kumalaban sa akin.*+

  • Awit 69:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21 Sa halip na pagkain ay binigyan nila ako ng lason,*+

      At nang mauhaw ako, sukà ang ibinigay nila sa akin.+

  • Isaias 53:1-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 53 Sino ang nanampalataya sa sinabi* namin?+

      At kanino ipinakita ni Jehova ang lakas* niya?+

       2 Sisibol siyang gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap niya,* gaya ng isang ugat mula sa tuyot na lupain.

      Hindi siya matikas, at hindi siya marilag;+

      At sa paningin namin, hindi siya kaakit-akit.*

       3 Siya ay hinamak at iniwasan,+

      Isang taong nakauunawa ng* kirot at sakit.

      Parang nakatago ang mukha niya sa amin.*

      Hinamak siya, at winalang-halaga namin siya.+

       4 Siya mismo ang nagdala ng aming mga sakit,+

      At pinasan niya ang aming mga kirot.+

      Pero itinuring namin siyang sinalot, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.

       5 Pero sinaksak siya+ dahil sa mga kasalanan namin;+

      Pinahirapan siya dahil sa mga pagkakamali namin.+

      Siya ang tumanggap ng parusa para magkaroon kami ng kapayapaan,+

      At dahil sa mga sugat niya ay gumaling kami.+

       6 Gaya ng mga tupa, lahat kami ay naliligaw,+

      Nagkaniya-kaniya kami ng daan,

      At ipinasan sa kaniya ni Jehova ang mga kasalanan naming lahat.+

       7 Pinahirapan siya+ at hinayaan niyang pagmalupitan siya,+

      Pero hindi niya ibinuka ang bibig niya.

      Dinala siya sa katayan gaya ng isang tupa,+

      Gaya ng isang babaeng tupa na tahimik sa harap ng mga manggugupit nito,

      At hindi niya ibinuka ang bibig niya.+

       8 Dahil sa di-makatarungang hatol* ay pinatay* siya;

      At sino ang magbibigay-pansin sa mga detalye ng pinagmulan* niya?

      Inalis siya sa lupain ng mga buháy;+

      Dahil sa kasalanan ng bayan ko ay tumanggap siya ng hampas.*+

       9 At binigyan siya ng libingan* kasama ng masasama+

      At kasama ng mayayaman* noong mamatay siya,+

      Kahit na wala siyang ginawang mali*

      At hindi siya nagsalita nang may panlilinlang.+

      10 Pero kalooban ni* Jehova na maghirap siya, at hinayaan Niyang magdusa siya.

      Kung ibibigay mo ang buhay* niya bilang handog para sa pagkakasala,+

      Makikita niya ang mga supling* niya, mapahahaba niya ang buhay niya,+

      At sa pamamagitan niya ay magtatagumpay ang kinalulugdan* ni Jehova.+

      11 Dahil sa pagdurusa niya, makakakita siya ng mabubuting bagay at masisiyahan.

      Sa pamamagitan ng kaalaman niya, aakayin ng matuwid kong lingkod+

      Ang maraming tao para magkaroon sila ng matuwid na katayuan,+

      At papasanin niya ang mga pagkakamali nila.+

      12 Dahil diyan, bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,

      At ibabahagi niya ang samsam sa mga makapangyarihan,

      Dahil ibinuhos niya ang sarili niya hanggang sa kamatayan+

      At itinuring na isa sa mga makasalanan;+

      Dinala niya ang kasalanan ng maraming tao,+

      At namagitan siya para sa mga makasalanan.+

  • Mikas 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 “Ngayon ay hinihiwa mo ang iyong sarili,

      O anak na babae na sinasalakay;

      Pinapalibutan tayo ng kaaway.+

      Hinampas nila ng tungkod ang pisngi ng hukom ng Israel.+

  • Zacarias 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  9 Magsaya ka nang lubos, O anak na babae ng Sion.

      Sumigaw ka nang may pagbubunyi, O anak na babae ng Jerusalem.

      Tingnan mo! Ang iyong hari ay dumarating sa iyo.+

      Siya ay matuwid, nagliligtas,*

      Mapagpakumbaba+ at nakasakay sa asno,

      Sa isang bisiro,* na anak ng babaeng asno.+

  • Zacarias 11:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila: “Kung mabuti sa inyong paningin, ibigay ninyo sa akin ang aking kabayaran; pero kung hindi, huwag ninyong ibigay.” At ibinigay* nila ang aking kabayaran, 30 pirasong pilak.+

  • Zacarias 13:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 “O espada, gumising ka laban sa aking pastol,+

      Laban sa lalaking kasamahan ko,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

      “Saktan mo ang pastol,+ at hayaang mangalat ang kawan;*+

      At iuunat ko ang aking kamay laban sa mga hamak.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share