-
Daniel 9:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 “Pagkalipas ng 62 linggo, papatayin ang Mesiyas,+ at walang anumang matitira sa kaniya.+
“At ang lunsod at ang banal na lugar ay wawasakin ng mga hukbo* ng isang paparating na pinuno.+ Magwawakas ito na para bang may dumating na baha. At hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay pagkawasak.+
27 “At para sa marami, pananatilihin niyang may bisa ang tipan sa loob ng isang linggo; at sa kalagitnaan ng linggo, patitigilin niya ang paghahain at ang pag-aalay ng handog na kaloob.+
“At ang dahilan ng pagkatiwangwang ay darating na nakasakay sa pakpak ng kasuklam-suklam na mga bagay;+ at hanggang sa paglipol, ang naipasiya ay sasapitin din ng* isa na nakatiwangwang.”
-
-
Mateo 23:37, 38Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 “Jerusalem, Jerusalem, ang pumapatay ng mga propeta at bumabato sa mga isinugo sa kaniya+—ilang ulit kong sinikap na tipunin ang mga anak mo, kung paanong tinitipon ng inahing manok ang mga sisiw niya sa ilalim ng kaniyang mga pakpak! Pero ayaw ninyo.+ 38 Kaya pababayaan ng Diyos ang bahay ninyo.+
-