Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 110:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  4 Si Jehova ay sumumpa, at hindi magbabago ang isip niya:*

      “Ikaw ay isang saserdote magpakailanman+

      Gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec!”+

  • Daniel 7:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 “‘At ang kaharian at ang pamamahala at ang karangalan ng mga kaharian sa ibabaw ng buong lupa* ay ibinigay sa banal na bayan ng Kadaki-dakilaan.+ Ang kaharian nila ay walang hanggan,+ at ang lahat ng pamahalaan ay maglilingkod at susunod sa kanila.’

  • Lucas 12:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 “Huwag kayong matakot, munting kawan,+ dahil ibinigay sa inyo ng inyong Ama ang Kaharian.+

  • 2 Timoteo 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 kung patuloy tayong magtitiis, maghahari din tayong magkakasama;+ kung ikakaila natin siya, ikakaila rin niya tayo;+

  • Hebreo 12:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Kaya dahil tatanggap tayo ng isang Kaharian na hindi mauuga, patuloy tayong tumanggap ng walang-kapantay* na kabaitan, dahil sa pamamagitan nito, maaaring malugod ang Diyos sa ating sagradong paglilingkod sa kaniya nang may makadiyos na takot at paggalang.

  • Santiago 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Makinig kayo, mahal kong mga kapatid. Hindi ba pinili ng Diyos ang mahihirap sa sanlibutan para maging mayaman sa pananampalataya+ at mga tagapagmana ng Kaharian, na ipinangako niya sa mga umiibig sa kaniya?+

  • Apocalipsis 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 at ginawa niya tayong isang kaharian,+ mga saserdote+ ng kaniyang Diyos at Ama—oo, sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at kalakasan magpakailanman. Amen.

  • Apocalipsis 5:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9 At umaawit sila ng isang bagong awit:+ “Ikaw ang karapat-dapat kumuha sa balumbon at magbukas nito, dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng dugo mo ay bumili ka ng mga tao para sa Diyos+ mula sa bawat tribo at wika at bayan at bansa,+ 10 at ginawa mo silang isang kaharian+ at mga saserdote sa ating Diyos,+ at pamamahalaan nila ang lupa bilang mga hari.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share