18 “‘Huwag kang maghihiganti+ o magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan, at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.+ Ako si Jehova.
2 at patuloy na magpakita ng pag-ibig,+ kung paanong inibig tayo ng Kristo+ at ibinigay ang sarili niya para sa atin bilang isang handog at hain,+ isang mabangong amoy sa Diyos.+
8 Mahal na mahal namin kayo, kaya gustong-gusto naming ibahagi sa inyo, hindi lang ang mabuting balita ng Diyos, kundi pati ang sarili namin,+ dahil napamahal na kayo sa amin.+
9 Pero kung tungkol naman sa pag-ibig sa mga kapatid,+ hindi na namin ito kailangang isulat sa inyo, dahil tinuruan na kayo ng Diyos na mahalin ang isa’t isa.+
8 Ngayon, kung patuloy ninyong tinutupad ang dakilang kautusan ng Hari ayon sa kasulatan, “Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,”+ mabuti naman ang ginagawa ninyo.
22 Ngayong dinalisay na ninyo ang sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan na ang resulta ay di-mapagkunwaring pagmamahal sa kapatid,+ masidhi ninyong ibigin ang isa’t isa mula sa puso.+
16 Naunawaan natin kung ano ang pag-ibig dahil ibinigay ng isang iyon ang buhay niya para sa atin,+ at pananagutan nating ibigay ang buhay natin para sa mga kapatid natin.+