Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 5:10-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “Maligaya ang mga pinag-uusig sa paggawa ng tama,+ dahil mapapasakanila ang Kaharian ng langit.+

      11 “Maligaya kayo kapag nilalait* kayo ng mga tao,+ inuusig,+ at pinaparatangan ng kung ano-anong masasamang* bagay dahil sa akin.+ 12 Matuwa kayo at mag-umapaw sa saya,+ dahil malaki ang gantimpala+ ninyo sa langit; inusig din nila sa gayong paraan ang mga propeta noon.+

  • Gawa 16:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 25 Noong kalaliman ng gabi, nananalangin sina Pablo at Silas at umaawit ng papuri sa Diyos,+ at nakikinig sa kanila ang mga bilanggo.

  • Roma 5:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Hindi lang iyan. Magsaya rin tayo habang nagdurusa,+ dahil alam nating ang pagdurusa ay nagbubunga ng kakayahang magtiis;*+

  • 2 Corinto 12:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Kaya nalulugod ako sa mga kahinaan, insulto, panahon ng pangangailangan, at pag-uusig at problema alang-alang kay Kristo. Dahil kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas.+

  • Filipos 1:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 29 Dahil bukod sa pribilehiyo ninyong manampalataya kay Kristo, binigyan din kayo ng pribilehiyo na magdusa para sa kaniya.+

  • Hebreo 10:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 34 Nagpakita kayo ng simpatiya sa mga nakabilanggo at masaya ninyong tinanggap ang pang-aagaw sa mga pag-aari ninyo,+ dahil alam ninyong mayroon kayong mas mabuti at permanenteng pag-aari.+

  • Santiago 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Mga kapatid ko, ituring ninyong malaking kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang pagsubok,+

  • 1 Pedro 3:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Pero kung magdusa man kayo alang-alang sa katuwiran, maligaya kayo.+ Gayunman, huwag kayong matakot sa kinatatakutan* nila at huwag kayong maligalig.+

  • 1 Pedro 4:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Sa halip, patuloy kayong magsaya+ dahil nararanasan din ninyo ang mga pagdurusang naranasan ng Kristo,+ para sa panahon ng pagsisiwalat ng kaluwalhatian niya ay makapagsaya rin kayo at mag-umapaw sa kagalakan.+ 14 Kung iniinsulto kayo dahil sa pangalan ni Kristo, maligaya kayo,+ dahil ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu ng Diyos, ay nasa inyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share