Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lucas 6:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 “Maligaya kayo kapag napopoot sa inyo ang mga tao+ at kapag itinatakwil nila kayo+ at nilalait kayo at nilalapastangan ang* inyong pangalan dahil sa Anak ng tao.+ 23 Magsaya kayo sa araw na iyon at tumalon sa tuwa, dahil malaki ang gantimpala ninyo sa langit, dahil iyon din ang ginawa ng mga ninuno nila sa mga propeta.+

  • Filipos 2:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Kagaya man ako ng ibinubuhos na handog na inumin+ sa ibabaw ng inyong hain+ at banal na paglilingkod, na ibinibigay ninyo dahil sa inyong pananampalataya, masaya pa rin ako at nakikipagsaya sa inyong lahat.

  • Santiago 1:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 Mga kapatid ko, ituring ninyong malaking kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang pagsubok,+ 3 dahil alam ninyo na kapag nasubok sa ganitong paraan ang pananampalataya ninyo, magbubunga ito ng pagtitiis.*+

  • Santiago 5:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Mga kapatid, tularan ninyo ang halimbawa ng mga propetang nagsalita sa pangalan ni Jehova;* nagdusa sila+ at nagtiis.+ 11 Itinuturing nating maligaya* ang mga nakapagtiis.*+ Nalaman ninyo ang tungkol sa pagtitiis* ni Job+ at kung paano siya pinagpala ni Jehova* nang bandang huli,+ at nakita ninyo na si Jehova* ay napakamapagmahal* at maawain.+

  • 1 Pedro 3:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Pero kung magdusa man kayo alang-alang sa katuwiran, maligaya kayo.+ Gayunman, huwag kayong matakot sa kinatatakutan* nila at huwag kayong maligalig.+

  • 1 Pedro 4:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na nararanasan ninyo,+ na para bang may kakaibang nangyayari sa inyo. 13 Sa halip, patuloy kayong magsaya+ dahil nararanasan din ninyo ang mga pagdurusang naranasan ng Kristo,+ para sa panahon ng pagsisiwalat ng kaluwalhatian niya ay makapagsaya rin kayo at mag-umapaw sa kagalakan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share