-
1 Corinto 15:3-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Ang bagay na ito ay kasama sa pinakamahahalagang itinuro ko sa inyo, na natutuhan ko rin: si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan;+ 4 at inilibing siya,+ oo, binuhay siyang muli+ nang ikatlong araw+ ayon sa Kasulatan;+ 5 at nagpakita siya kay Cefas,+ at pagkatapos ay sa 12 apostol.+ 6 Pagkatapos, nagpakita siya sa mahigit 500 kapatid sa isang pagkakataon;+ kasama pa rin natin ang karamihan sa mga ito, pero ang ilan ay namatay* na. 7 Nagpakita rin siya kay Santiago,+ at pagkatapos ay sa lahat ng apostol.+ 8 At panghuli, nagpakita rin siya sa akin,+ ako na parang ipinanganak na kulang sa buwan.
-