-
2 Timoteo 4:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Dahil darating ang isang yugto ng panahon kung kailan hindi na nila tatanggapin ang kapaki-pakinabang na turo,+ kundi gaya ng gusto nila, papalibutan nila ang kanilang sarili ng mga guro na kikiliti sa mga tainga nila.+ 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan at magbibigay-pansin sila sa mga kuwentong di-totoo.+
-
-
1 Juan 2:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Mga anak, ito na ang huling oras, at gaya ng narinig ninyo, ang antikristo ay darating,+ at marami na ngang lumitaw na antikristo maging sa ngayon,+ at dahil dito, alam nating ito na ang huling oras. 19 Lumabas sila mula sa atin, pero hindi natin sila kauri;*+ dahil kung kauri natin sila, nanatili sana silang kasama natin. Pero lumabas sila para mahayag na hindi lahat ay kauri natin.+
-