Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 24:15, 16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli+ ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.+ 16 Dahil diyan, lagi kong sinisikap na magkaroon ng malinis na* konsensiya sa harap ng Diyos at mga tao.+

  • 2 Corinto 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Ito ang ipinagmamalaki namin: Nagpapatotoo ang konsensiya* namin na nagpakita kami ng kabanalan at kataimtiman na mula sa Diyos sa gitna ng sanlibutan, at lalo na sa gitna ninyo. Hindi kami nagtiwala sa karunungan ng sanlibutan,+ kundi sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos.

  • 2 Timoteo 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko gaya ng paglilingkod ng aking mga ninuno at nang may malinis na konsensiya;+ lagi kitang inaalaala sa mga pagsusumamo ko araw at gabi.

  • Hebreo 13:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 18 Patuloy ninyo kaming ipanalangin, dahil naniniwala kaming malinis* ang konsensiya namin at gusto naming gumawi nang tapat sa lahat ng bagay.+

  • 1 Pedro 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Panatilihin ninyong malinis ang konsensiya ninyo,+ para anuman ang sinasabi nila laban sa inyo, mapahiya sila+ dahil sa mabuti ninyong paggawi bilang mga tagasunod ni Kristo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share