-
GawaTulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bubuhaying muli: Ang salitang Griego na a·naʹsta·sis ay literal na nangangahulugang “pagbangon; pagtayo.” Ginamit ito nang mga 40 beses sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para tumukoy sa pagkabuhay-muli ng mga patay. (Ang ilang halimbawa ay makikita sa Mat 22:31; Gaw 2:31; 4:2; 17:18, 32; 23:6; 1Co 15:12, 13.) Sa salin ng Septuagint sa Isa 26:19, ginamit ang anyong pandiwa ng a·naʹsta·sis bilang katumbas ng pandiwang Hebreo na “mabuhay” sa ekspresyong “ang iyong mga patay ay mabubuhay.”—Tingnan sa Glosari, “Pagkabuhay-muli.”
-