2 Ititiwalag kayo ng mga tao mula sa sinagoga.+ Ang totoo, darating ang panahon na ang bawat isa na pumapatay sa inyo+ ay mag-aakalang gumagawa siya ng sagradong paglilingkod sa Diyos.
3 At pinasimulan ni Saul na pagmalupitan ang kongregasyon. Isa-isa niyang pinapasok ang mga bahay, kinakaladkad palabas ang mga lalaki at babae, at ipinakukulong sila.+
23 Naririnig lang nila dati: “Ang taong umuusig sa atin noon+ ay naghahayag na ngayon ng mabuting balita tungkol sa pananampalatayang dati niyang sinisira.”+
13 kahit na dati akong mamumusong,* mang-uusig, at walang galang.+ Pero pinagpakitaan ako ng awa dahil ginawa ko ang mga iyon sa kawalang-alam at kawalan ng pananampalataya.