Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Corinto 16:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Kung tungkol sa paglikom para sa mga banal,+ puwede ninyong sundin ang tagubiling ibinigay ko sa mga kongregasyon sa Galacia.+

  • 2 Corinto 8:1-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 Ngayon, mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang nagawa ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos sa mga kongregasyon sa Macedonia.+ 2 Nagdurusa sila sa panahon ng matinding pagsubok. Pero kahit napakahirap nila, masayang-masaya pa rin sila at napakabukas-palad. 3 Ibinigay nila ang lahat ng maibibigay nila,+ ang totoo, higit pa nga sa kaya nilang ibigay.+ At mapapatotohanan ko ito. 4 Sila pa mismo ang paulit-ulit na nakikiusap sa amin na payagan silang magbigay at makapaglingkod din sa mga banal.*+

  • 2 Corinto 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2 dahil alam kong handa kayong tumulong, at ipinagmamalaki ko sa mga taga-Macedonia na isang taon nang nakahanda ang Acaya, at ang buong-pusong pagsisikap ninyo ay nagpakilos sa karamihan sa kanila.

  • 2 Corinto 9:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 dahil ang pangmadlang paglilingkod na ito ay hindi lang pupuno sa pangangailangan ng mga banal+ kundi mag-uudyok din sa marami na magpasalamat sa Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share