-
Filipos 2:19-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Umaasa ako na maisugo agad sa inyo si Timoteo,+ kung kalooban ng Panginoong Jesus, para mapatibay ako kapag nakabalita ako tungkol sa inyo. 20 Dahil wala na akong ibang maisusugo na may saloobing gaya ng sa kaniya, na talagang magmamalasakit* sa inyo.+ 21 Dahil inuuna ng lahat ng iba pa ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Kristo. 22 Pero alam ninyo kung paano niya pinatunayan ang kaniyang sarili: Gaya ng isang anak sa kaniyang ama,+ nagpaalipin siyang kasama ko sa ikasusulong ng mabuting balita.
-