50 Kapaki-pakinabang ang asin, pero kung mawawalan ito ng alat, paano maibabalik ang lasa nito?+ Maging gaya kayo ng asin,+ at panatilihin ninyo ang kapayapaan sa isa’t isa.”+
11 Bilang panghuli, mga kapatid, patuloy kayong magsaya, magpaakay sa tamang landas, maaliw,+ magkaisa sa kaisipan,+ at mamuhay nang payapa;+ at ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan+ ay sasainyo.