-
1 Corinto 3:1-3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
3 Kaya, mga kapatid, hindi ko kayo nakausap na gaya ng mga taong espirituwal,+ kundi gaya ng mga taong makalaman, mga sanggol+ sa pagiging Kristiyano. 2 Binigyan ko kayo ng gatas, at hindi ng matigas na pagkain, dahil hindi pa ninyo kayang kainin iyon. Ang totoo, hindi pa rin ninyo kaya ngayon,+ 3 dahil makalaman pa kayo.+ Mayroon pang inggitan at pag-aaway sa gitna ninyo,+ kaya hindi ba makalaman kayo+ at namumuhay na gaya ng mga tao sa sanlibutan?
-