-
Hebreo 5:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Dahil dapat sana ay mga guro na kayo ngayon, pero kailangan na namang ituro sa inyo ang panimulang mga bagay+ ng mga sagradong kapahayagan ng Diyos, at gatas ulit ang kailangan ninyo sa halip na matigas na pagkain.+ 13 Dahil ang bawat isa na umiinom pa rin ng gatas ay hindi nakaaalam ng salita ng katuwiran, dahil siya ay isang sanggol.+ 14 Pero ang matigas na pagkain ay para sa mga maygulang; sa paggamit sa kanilang kakayahang umunawa, sinanay nila itong makilala ang tama at mali.
-