14 Magiging ama niya ako, at magiging anak ko siya.+ Kapag gumawa siya ng mali, didisiplinahin ko siya sa pamamagitan ng pamalo ng mga tao at ng mga hampas ng mga anak ng tao.*+
10 Siya, na para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay umiiral ang lahat ng bagay, ay nagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian.+ Kaya ang Punong Kinatawan para sa kaligtasan nila+ ay nararapat gawing ganap ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+